Anuman ang iyong pinagdadaanan, sana'y iyong malagpasan.
Nakaka bingi ang iyong katahimikan.
Tila walang saysay ang mga tinig sa paligid.
Umaasa ako na sana'y sa muli mong pagpaparamdam ay puno na ng ngiti't halakhak ang bawat sms messages at mga tawag.
Di bale nang di maintindihan ang mga sinasabi basta't ang tinig sa kabilang linya ay puro kasiyahan lamang.
Nangungulila ako sa mga bagay na inaasam asam ko araw araw.
Ang matulog ng may mga ngiti sa labi, gumising sa tinig ng mrt, hanggang sa pagpapaalala ng pagiingat.
Ang aking kaligayahan ay simple lamang kaya't kailangang isantabi para bigyang daan ang 'yong isipin.
Wala akong ibang hangad kundi maging masaya ka sa dulo ng isang kwento. Yung kasiyahang tila nanuod ka ng isang maaksiyong pelikula.
Minimithi ko din na sana'y walang poot sa iyong dibdib sa mga oras na ito. Ipagpaumanhin mo kung sakaling di makatulong tong mensahe sayo.
Lubos lamang nangungulila ang remington sa piling ng ita.
Sana'y sa dulo ng paliko likong daan ay payagan mong ako ay naroon at naghihintay.