Sabado, Oktubre 29, 2011

Makapagkwento Nga!

Kumusta ka na kaya? 
Syempre sana magaan ang pakiramdam mo. Ako, ok naman siguro ako. Nagigising pa din ng 5:30 kahit anong oras matulog. Bihira na din makapag baon. Late na kasi bumangon. Dami kong times na inattempt mag paramdam simula nung huli. Kulang nalang pindutin yung send. Di ko nalang tinutuloy kasi baka lalo lang mapasama.( baho ng katabi ko). Minsan naiisip ko pumunta ng tiangge kaso wala nang thrill. Baka makakita ako ng damit dun di ko mapigilan bilhin ko kaso pagkatapos wala. Alangan naman isuot ko yun. Kalbo o trim? Naiisip ko kakainggit mga taong nakakahalubilo mo ngayon. Swerte nila. Kung bakit swerte? Basta! 
Dito nalang binubuhos sa blog ang mga naiisip, mga ikkwento tsaka outlet na din to. 
Ikaw? Kumusta ka? Top agent pa din? Apply ka na ng team lead! Tagal ka nang qualified dun. Yaw mo lang maniwala. Todo huddle pa din ba? Nakakapag exercise ka pa din? Nakapag pa spa ka na? Kumusta na kaya ang mga tawa mo? Yang tawang yan masyadong mahal. Sobrang hinahanap hanap ko! Hayys nakakamiss talaga. Lam mo yung pakiramdam na lahat nalang ata ng bagay sa paligid ipapaalala sayo yung masasayang oras? Grocery, laundry. Tulad ngayon dumi ng kuko ko. Nagpapaalala pa yun. Pag nagkaron ng pagkakataon na makita ka ulit, naku durog ang buto sa akap! Baka maiyak pa ako! One time pala naglalakad ako imimeet ko yung friends ko, nung malapit na ko bigla ako naluha. Tulo talaga. Ayun buti napunas ko bago nila ko makita. Kagabi din kailangan ko magtaxi kaso hirap makasakay kasi ang trapik, may nangontrata. 350 singil! Sabi ko sa driver, kapag ikaw nangailangan tapos gipit ka, wag na wag ka magrereklamo ha. Ayos ba mga natutunan ko sayo? 

Yung tambakol wala na!