Miyerkules, Enero 4, 2012

HULA (http://professionalheckler.wordpress.com/)

IT’S THAT TIME of the year again. Self-proclaimed psychics are being invited by radio and TV programs to dish out vague generalizations about what the future may hold for famous people and the Philippines in general.
Madam WTF: Nakikita kong marami pang papasok na bagyo sa Pilipinas sa taong ito. (Wow, shocking!)
Bro. Whatever: Kung hindi mag-iingat ang isang kongresista, baka masangkot siya sa aksidente. (Hey, do the solon a favor. Identify him!)
most Filipinos tend to be suckers for predictions, I asked a neighbor, Madam Kalachuchi to share with us her forecast for 2012, the Year of the Water Dragon. Warning: Ang mga ito ay pawang hula lamang. Puwedeng basahin, huwag masyadong seryosohin. Here we go…
Madam Kalachuchi:
Gudap tirnun! Maswirting araw sa inyung lahat! Aku si Madam Kalachuchi – ang walang kenekelengan, walang penuprutiktahan, at walang kasenungalengang psychic – magpaparamdam sa inyo saan man sa mundo! Higit sa prediksyon… aksyon!
(Note: Autocorrect activated)
Sa tulong ng aking vibrator ay ibabahagi ko sa inyo ang aking vibrations para sa Year 2012 – ang taon ng mga biyenan, este, taon ng dragon.
Sa pangkalahatan, magiging payapa ang daigdig… maliban na lang kung maging adventurous si Kim Jong-Un at pindutin niya ang pulang button. Boom!
Ang Pilipinas ay mananatiling third world country pero laging first sa kung anik-anik na Guiness World Records.
Magpapatuloy ang pananalanta ng mga bagyo sa iba’t ibang panig ng bansa. Ngunit sa mga lalawigan, mababawasan ang tubig-baha; mapapalitan ito ng troso-baha.
Walang permanente sa mundo kundi pagbabago – at oil price hike. Tuloy ang kaswapangan ng mga kompanya ng langis.
Si Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo ay hindi papayagang umuwi ng bahay. Mananatili ang hospital arrest. Sa sobrang frustration, ibabaling niya ang atensyon sa pagsusulat ng aklat. Sa haba ng tatakbuhin ng kinakaharap niyang mga kaso, makakapagtayo siya ng isang library.
Magiging mailap pa rin ang pag-ibig kay Pangulong Aquino. If it’s any consolation, napaghandaan n’ya na ‘yon.
Hahanap ng excuse ang Pangulo upang hindi siya dumalo sa kasal nina Councilor Shalani Soledad at Cong. Roman Romulo sa January 22. Posibleng magpa-schedule siya ng visit sa isang lalawigan sa araw na ‘yon.
Ang lucky number ni Pangulong Aquino sa taong ito ay two-thirds (2/3).
Paulit-ulit na magiging top trending topic worldwide sa Twitter ang impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona.
Sa kasagsagan ng trial, maglalabas ng survey ang SWS at Pulse Asia na nagpapakitang mayorya ng respondents ay nagi-expect ng ‘guilty’ verdict kay Corona. Malaki ang magiging impluwensya nito sa gagawing pagboto ng mga senator-judges lalo na ang mga reelectionists.
Sa ngayon ay wala akong nakikitang malinaw na ending sa impeachment trial ngunit malinaw sa aking bolang kristal na tatlong beses makakatulog si Sen. Lito Lapid habang isinasagawa ang paglilitis.
Kung tagumpay na malalampasan ng Pilipinas ang impeachment trial, magandang future ang naghihintay sa bansa. Hindi ko lang sure kung present pa rin sa naturang ‘future’ sina Sen. Juan Ponce-Enrile at Mrs. Imelda Marcos.
Mas mauuna pang maubos ang buhok ni Pangulong Aquino kaysa sa pagsasabatas ng Reproductive Health Bill at Freedom of Information Bill.
Tataas ang singil sa tubig, kuryente, at pamasahe pero hindi makikialam ang Malacañang dahil popular pa naman ang presidente.
Posibleng masangkot sa isang sex scandal si Executive Secretary Paquito ‘Jojo’ Ochoa. Maging cautious sa mga nami-meet na babae. Tiyaking sila ay babae.
Hindi makakabuntis si DOTC Sec. Mar Roxas.
Hindi mabubuntis si DOJ Sec. Leila De Lima.
Magkakaroon ng sequel ang ‘itlog ni Topacio.’ Hindi nito mapapantayan ang kasikatan ng naunang punchline ng kanyang amo.
Kung hindi mag-iingat, mao-overdose si Mrs. Elena Bautista-Horn sa sleeping pills. Or worse, malulunok niya ang kanyang dila.
Hindi kikita ang ‘Emilio Aguinaldo’ biopic ni Laguna Governor ER Ejercito pero sapat na ang na-generate nitong buzz upang mag-decide ang gobernador na tumakbo sa pagka-senador. Matatalo siya.
Sa Sports…
Gagastusan ni Manny V. Pangilinan ang pagdalaw sa bansa ng Makati-born, National Football League quarterback na si Tim Tebow ng Denver Broncos.
Hindi matutupad ang hangad na five-peat ng Ateneo Blue Eagles sa UAAP basketball. Tatalunin sila sa Best-of-3 finals, 0-2 ng isang koponan. Hindi UP ‘yon. Sure na.
Ang mga players ng San Beda Red Lions na hindi mada-draft sa PBA ay papasukin ang contact sports, puwedeng boxing o mixed martial arts.
Sa Showbiz…
Mali-link si Kris Aquino either sa isang rugby o football player… depende sa tolerance level ng atleta.
Masasangkot sa isang kontrobersya ang pamilya Pacquiao. Isang gabi, maririnig ang malakas na sigaw ni Manny: “Magnanakaw! Magnanakaw!” Si Jinkee lang pala ‘yon. Hindi lang siya nakilala ng People’s Champ.
Hindi na mapapantayan pa ng anumang susunod na Vice Ganda movie ang kinita ng ‘Praybeyt Benjamin.’ Natuto na ang mga tao.
Walang magiging improvement sa hosting skills ni Manny Pacquiao. Same fate awaits Isabelle Daza.
Ibabasura ng piskalya ang mga isinampang reklamo ni Nadia Montenegro laban kay Annabelle Rama. Wala itong gaanong epekto. Hindi pa rin nabibili ang breeding.
May kakalat na sex video diumano nina KC Concepcion at Piolo Pascual. Walang maniniwala.
This Year’s…
Lucky Number: Wala. Ang tanda mo na, nagpapaniwala ka pa sa ganitong kalokohan.
Lucky Day: Pay day.
At sumainyo ang mga prediksyon para sa taong 2012. Sa mga nagtatanong kung totoong magwawakas ang mundo sa December 21, hindi po totoo ‘yan. Mula 1999 ay apat na beses na akong nakaligtas sa tinatawag na ‘end of the world.’ Take note: twice pa last year. Walang ‘pinagkaiba ang 2012. Kaya friends, chill!
Maraming salamat sa inyo