Martes, Marso 13, 2012

Mga Alamat

Alamat Ng Bahag Hari

Nuong unang panahon ang mga tao ay namumuhay ng masaya at masagana. 
Lahat sila'y nagmamahalan. Lahat ng kailangan nila ay madali nilang nakukuha.
Hangga't sa lumipas ang maraming taon ay nagbago ang pamumuhay nila at umabuso at naging masama.

Nagpadala ng sugo ang Dakilang Maylikha upang iparating sa mga tao na magbago na sila at 
magsisi sa mga kasamaan.
Ngunit ito'e pinagtawanan lamang ng mga tao.

Nagalit ang may likha at pinarusahan ang masasama. Dumilim ang langit at bumuhos ang malakas na ulan.
Bumaha ng buong kapaligiran. Namatay ang masasama at nabuhay ang mga mabubuti.

Pagkatapos ng malakas na ulan ay lumabas ang isang arko na may iba't ibang magagandang kulay. 
Nagdasal ang mga tao at tinawag nila itong bahaghari. 

At hanggang ngayon ay makikita natinlumalabas ang Bahag- hari matapos umulan ng malakas. Marahilpaalala ito ng Diyos na kung tuluyang magiging makasalanan ang mgatao'y muling malilipol ang mga masasama.
*************************************************
Bakit Maalat ang Dagat

Nuong unang panahon may isang heganteng naninirahan sa isang pamayanan na malapit sa dagat. 
Sa kabilang isla sila nangangalakal ng asin at asukal. Ngunit sobrang nalalayuan ang mga katutubo kaya't kinausap nila ang higante para tulungan sila.
"sige tumulay kayo sa binti ko habang nakalatag sa karagat papuntang kabilang isla ang binti.", sabi ng higante

Masayang tumulay ang mga katutubo habang pasan ang saku-sakong asin at asukal sa kanilang mga balikat.
Naunang nakatawid ang may mga bitbit ng asukal at patuloy pang naglalakabay ang mga may bitbit ng asin. 
Kung nasaan ang mga asukal tiyak ay andun naman ang mga langgam. Gumapang sa paanan ng higante ang mga langgam at biglang kinagat ang binti ng higante. Biglang gumalaw ang binti ng higante at nahulog sa dagat ang mga katutubong may bitbit na sako ng asin.

Simula nuon naging maalat na ang karagatan.
*************************************
Alamat ng Kasoy

Noong unang panahon ay nasa loob ng kasoy ang abuhing buto nito. Lungkut na lungkot ang buto sapagkat madilim na madilim sa loob ng kasoy. Lalo itong nalungkot nang malamang magdaraos ng isang handaan ang Adang kagubatan. Sa gabi ng handaan ay ipinatawag ng Ada ang lahat ng hayop at halaman.

Lahat ay nagsasayaw. Lahat ay kumakanta. Masayang-masaya ang kagubatan. Bukod tanging ang buto ng kasoy ang lungkut na lungkot.
“Mabuti pa sila, nakikita ang masayang paligid. Heto ako, nakakarinig ng awit at tawanan pero hindi naman nakikita ang katuwaan.”
Naulinigan ng makapangyarihang Ada himutok ng Buto.

Naantig ang maawaing damdamin ng mahal na Ada. Iwinasiwas nito ang nagniningning na pananglaw. Sa isang iglap ay nakalabas sa madilim na kulungan ang Buto.”
Masayang-masayang napanood ng Buto ng Kasoy ang sayawan, kantahan, at pagkakatuwaan ng mga hayop at halaman.

Hatinggabi na nang iwasiwas na muli ng butihing Ada ang kaniyang makinang na pananglaw. Hudyat iyon ng pamamahinga. Pinatay na ng mga Alitaptap ang parol nila.
Nalungkot ang Buto nang dumilim na ang paligid. Nahahalinhan ng takot at lungkot nang kumulog at kumidlat. Napansin ng Buto na nagsipagtago ang mga hayop sa mga kuweba. Mahigpit namang ikinabit ng mga halaman ang mga ugat sa ilalim ng lupa.
Tulad ng dapat asahan, bumuhos na ang malakas na ulan. Takot at kinakaliglig sa lamig ang Buto.
“Ga…Ganito pala sa labas. Ma…Mamamatay ka sa sobrang ginaw. Mabibingi ka sa ingay ng kulog. Malamang na tamaan ka pa ng kidlat. A…Ayoko na sa labas.”
Hindi pinakinggan ng Ada ang abuhing Buto ng Kasoy. Bilang panghabambuhay na parusa ay pinamalagi ng Adang manatili sa labas ng Kasoy ang abuhing Buto nito.
Iyan ang Alamat ng Kasoy at ng di nito makuntentong Buto.

********************************

Alamat ng Langit
 
MABABA ang langit nuong Unang Panahon, abot na abot ng tao. Isang araw, lumabas ng bahay ang isang matandang dalaga upang magbayo ng palay. Bago nagsimula, inalis niya ang kanyang suklay  mula sa buhok, at mula sa leeg, ang kanyang butil-butil na kuwintas at pinagsasabit lahat sa langit na nuon ay hugis matutulis na batuhang dagat.

Saka siya nagbayo ng palay. Tuwing angat niya sa pambayo, tinamaan niya ang langit, na tumaas nang kaunti tuwi na. Pagtagal, napagod siya at lalo niyang pinag-sigasig ang bayo, at lalong lumakas ang hampas ng kanyang pambayo sa langit, na lalong umangat. Pagtama ng isang napaka-lakas na bundol, biglang tumaas nang tuluy-tuloy ang langit.

Walang tigil umakyat ang langit, tangay lahat ng alahas ng matandang dalaga, hanggang hindi na abot ng tao maliban sa tanaw. Ang tangay na suklay ay naging buwan . Nagkahiwa-hiwalay at kumalat ang butil-butil na kuwintas at naging mga tala na kumikinang tuwing gabi.