Hello,
Kamusta ka na? Salamat di mo denelete agad to at tinry mo iopen. Alam kong maayos na buhay mo ngayon na wala na ako. Nakamove on and all ka na. Wala naman ako intension bumalik or manggulo sa buhay mo. Gusto ko lang sana kamustahin si prinsesa. Simula ng maghiwalay tyo hindi ko na kasi sya nakausap. Hindi ko rin kasi alam kung anu ang sasabihin ko sa kanya. Natakot din ako sa possibleng sabihin ng mommy at daddy mo. Pati na rin ng buong pamilya mo. Hindi ko alam kung matatanggap nila yung ngyari. At dahil pamilya mo na ang halos nagpalaki kay prinsesa alam ko naman nawala na akong laban sa kung anu ang magiging influence nila sa kanya. Naisip ko rin na para wala ng gulo ako na lang ang iiwas. Isa pa hindi ko kakayanin kung itaboy ako ni prinsesa kaya pinanghinaan ako ng loob na magreach out sa inyo.
Ngayon narerealize ko na yung mali ko sa kawalan ko ng lakas ng loob. Ako ang nagdecide na maghiwalay tyo dapat naging handa ako sa kalalabasan. Dapat hindi ko pinabayaan madamay si prinsesa sa ngyari sa atin. Mali ako. Sana inayos ko ang sitwasyon kay prinsesa. Sana hindi ko hinayaang lumipas ang isang taon na hindi nya ako naramdaman sa buhay nya. Ngayon , isa –isa kong inaayos yung mga di tama sa buhay ko. Gusto ko na ng maayos na buhay. Alam ko gusto mo rin yun sa kung anu man ang meron ka ngayon. Yung maayos na buhay (hindi man normal), gusto ko kahit papanu bahagi si prinsesa. Nakikiusap ako ngayon sayo, sana tulungan mo ako na ayusin yung sitwasyon kay prinsesa. Alam ko na mas mahal ka nya sa akin. Na malaki ang influence mo sa kanya. Na anu man ang sabihin mo ay iaaccept nya. Sana tulungan mo ako imend yung nasirang relationship ko kay prinsesa. Nakikiusap ako… Ayoko isipin nya na may problema sa kanya kaya ko sya iniwan. Gusto ko lumaki sya na nararamdaman na may nanay sya kahit hiwalay tyo. Ayoko na matulad sya sa akin na lumaki na hindi naramdaman ang pagmamahal ng nanay.
Hindi ko sya kunin sa inyo kasi alam ko naman hindi sya sasama sa akin. Gusto ko lang sana malaman kung anu na ngyayari sa kanya. Gusto ko lang sana sabihin sa kanya na mahal ko sya na walang araw na lumipas na di ko sya iniisip. Na hindi sya nawalan ng mama. Gusto kong maging part ng buhay nya. Kung ibibigay mo sya kukupkupin ko sya. Kung hindi man sana hayaan mo na maging bahagi ako ng buhay nya. Sana buksan mo ang puso mo(comment : ehehe ako pa magbubukas ng puso) para sa kaayusan ng sitwasyon kay prinsesa.
Alam na ni mama ang tungkol sa kanya. Gusto nya rin sanang makita si prinsesa. Kahit papanu thankful sya na mabait daw ang pamilya mo at inaalagaan nyo sya. Na minahal nyo sya sa kabila ng sitwasyon natin. Tinanung nya ako lagi kung pwede daw ba nyang makita si prinsesa. Walang galit kung di concern at pananabik makita ang nararamdaman ko kay Mama.
Alam ko na hindi mo obligasyon tulungan ako na mapalapit uli sa kanya at kung di mo ako hahayaang makausap sya maiintindihan ko naman. Nagbakasakali lang naman ako na humupa na ang galit mo sa akin at hayaan mo na khit papanu ayusin na natin yung sitwasyon ni prinsesa. Sana pagisipan mo yung mga hiniling ko syo.
Salamat.
Inah