Everytime nangyayari yung hindi ka nagpaparamdam, ganun at ganun pa din ang pakiramdam sa akin. Nakakatakot, nakakakaba at nalulungkot. Di ko maiwasan yun. Nagaalala ako syempre kasi di ko alam kung ano na nangyayari sayo. Although alam ko naman na strong kang tao kaya mahahandle mo yan. Sa akin lang sana nakakatulong ako kahit papanu. Ayoko ko naman kasi na sa tuwing magaan ang sitwasyon lang ako visible para sayo. Gusto ko din madamayan ka o makatulong sayo kahit man lang motivation kasi alam ko physically sa sitwasyon natin mahirap ako makatulong. Gusto ko lang talaga na lagi akong andiyan para sayo.
Nakakalungkot din kasi ikaw na din nagsabi na, "di mo na kailangang sabihin na masaya ka kapag kausap ako kasi ramdam ko yun". Totoo yun. Kaya ambilis kitang namimiss. Hhhaaayyy!
Kinakabahan din ako kasi baka may nagawa akong mali na nagpapadagdag sa isipin mo. Kung meron man sorry. Alam mong ingat na ingat na akong gumawa ng hindi mo ikatutuwa kasi ten folds ang consequence nun. Takot ako sa'yo kasi ganun nalang ang respeto ko sa'yo.
Eto, nakakatakot kasi panu kung tuluyan ka nang di magparamdam? Kaya hindi ko tinitake for granted everytime na ganitong tahimik ka. Alam kong nakakasawa yung ingat, morning at nyt na araw araw mong nababasa. Pero araw araw ko din sincere na sinasabi yun.
Yup, aware ako na sobrang stressed ka. Dami mong inaasikaso ngayon. Di mo alam ang uunahin. Naiintindihan ko at tanggap ko na isantabi mo muna yung oras para sa'tin/sa'kin.
Nagaalala lang ako para sa'yo kasi hangga't maaari gusto ko relax ka. Nakangiti. Maligalig. Mataas ang energy.
Hindi ko na pinadaan sa text tong mga piangsasasabi ko kasi alam kong maiirita ka. Ginawa ko dati sa'yo yung kinulit kita sa phone lalo lang napasama ang sitwasyon. At ginawa mo din yan sa mga kaopis mong makulit magtanong kapag mainit ulo mo.
Basta aantayin ko yung oras na ok ka na. I will be ultra patient!
Ingat lagi! Miss you!