Miyerkules, Hunyo 6, 2012

Mga Maliliit Na Bagay Pero Nakakainis

- When someone speaks in English at the top of his/her lungs during a normal conversation in a public place just to  give everyone an impression that that someone is smart or to gain attention is an attention whore... (ooopppss english di ako yan)
- Malamang alam mong mataba ka kaya umayos ka ng upo sa FX
- Maligo ka naman kapag mamamasada ka. Alam mong mainit ang jip at umaalingasaw na amoy mo
- Naging bingi ka kasi ayaw mong iabot ang bayad.
- Kung anu ano na sinuot mo. Di na bagay kapag pinag sabay sabay. Makaporma lang
- Mga ganitong status:
       o Nakakainis! - Ituloy mo. nag aantay ka na may mag comment na bakit bago mo ituloy?
       o On my way to megamall
       o Watching Avengers
- May kwento ako sa'yo, mamaya (kilala ko ang nagturo sakin na mainis sa ganyan)
- Maya't maya ang check-in at post mo sa FB, Twitter, Instagram at Foursquare kasi bago ang iPhone mo o ang Galaxy SII o ang Galaxy SIII
- Palibhasa magisa nalang akong pasahero pinapalipat mo ako?
- Nagipon ipon na kayo sa may pinto ng tren ang luwag sa gitna
- San ka ba talaga uupo? Uupo ka ba o tatayo?
- Dami nang tao sa platform nag skip train ka pa.
- Malapit ka na sa destinasyon mo, gumagapang ka pa din para suyurin ang mga pasahero.
- Di naman matrapik pero ambagal mo magpatakbo.
- teka wala na ako maisip...

huhuhu namimiss na talaga kita!